Perception

Yesterday, the Philippine Daily Inquirer (PDI) reported that Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Patricia Sto. Tomas said that the so-called “brain drain” in the country is a mere perception. Sto. Tomas stated that the allegation that the country’s health care industry is heavily suffering from brain drain is not based on “hard facts.”

Read the rest of this entry »

OFWs in the News

The past few days we have been reading and hearing reports on the Filipina Domestic Helper in Singapore who killed another Filipina Domestic Helper, allegedly because of jealous over a Singaporean taxi driver. Today, we read a new head on Inq7.net: “OFWs send home $885M in July, a 26% rise.” Read the rest of this entry »

Pangingibang Bansa

Di ko man masisi ang karamihan sa mga Pilipinong umaaasang makahanap ng mas magandang kapalaran sa ibang bansa, di ko rin kayang pigilan ang sarili ko na makadama ng inis at pangihinayang.

Para sa mga may pamilyang binubuhay at tinataguyod, mas madali nga ang mawalay sa piling ng pamilya upang makaahon sa kahirapan kaysa sa magtiis na magsumikap dito sa ating bansa kung saan mas mahirap pa sa pag pasok sa butas ng karayom ang magkaroon ng pagkakataon na umunlad. Mas madali nga lunukin ang pride at maging alila sa dayuhang bansa. Sa pag-papaalila, mas malaki ang tsansa na makukuha mo ang karapat-dapat na sa iyo, na walang palakasan, kai-kaibigan at kamag-a-kamag-anak na palakaran. Nakakalungkot mang isipin ngunit para sa ating mga Pinoy, ang ating mga sarili ang pinakamabentang “produkto” na pwede nating i-export, ang tanging paraan upang takasan ang kahirapan and kawalan ng pag-asa rito sa Pilipinas.

Ngunit para sa iilang di naman gumagapang sa kahirapan at nabubuhay naman ng maginhawa, bakit pa kailangang lumabas ng bansa upang mas payamanin ang sarili? Bakit kailangan pang ibenta ang mga sarili sa ibang bansa upang kumita ng mas malaki, magkaroon ng mas marami, maging mas! Messiahnic man ang dating, naniniwala akong ang “middle class” at mga edukado ang may tunay at malakas na oportunidad upang tulungan ang bansa. Lalong-lalo na yung mga nakapagtapos sa magagandang paaralan. Ngunit bakit marami sa kanilang di naman masasabing naghihirap ay nagtitiis na mag-aral ng narsing o nagiging tnt para lamang makapagtrabaho sa ibang bansa at maglingkod sa mga dayuhang kayang-kayang bayaran ang kanilang “pride”". Nakakapanghinayang isipin na ang pinakamahusay na studyante ng pagdo-doktor sa bansa ay mag-aaral na lamang ng narsing upang makapag-trabaho sa USA. Puro pera at kikitain na lamang ba talaga ang mahalaga sa atin?

At puro na lang ba tayo reklamo? Puro na lang ba pag-angat ng sarili at ng sariling pamilya at pagtakas sa mga problema natin ang mahalaga? Kesyo walang pag-asang umunlad ang Pilipinas dahil sa pulitika. Kesyo walang patutunguhan ang pagsubok na tumulong sa sariling bansa. Kesyo puro korupsyon at kababalaghan ang mga nangyayari sa gobyerno. Sa halip na sisihin ang pamahalaan at ang mga institusyon, bakit hindi natin tanungin ang ating mga sarili… Papaano nga ba tayo nakarating sa ganito? Bakit tayo ganito kahirap ngayon? Asan tayo nagkamali? Hindi natin maaaring sisihin ang lahat ng mga paghihirap na dinadanas natin sa gobyerno. At hindi mo pwedeng sabihing wala ka nang pakialam dahil bilang isang tao, isang Pilipino, tungkulin mo ang makialam at manindigan.

Madaling-madali ang mangibang bansa upang yumaman, umunlad, maging successful kumpara sa pagtitiis dito sa ating bayan. Ngunit, ito nga ba ang karapat-dapat mong gawin? Bilang isang mamamayan ng Pilipinas, ito na ba ang pinakamabuti mong magagawa para sa iyong sarili, para sa iyong pamilya at para sa iyong bansa? Bilang mga tao, nabubuhay tayo sa isang konteksto. Na ang bawat paghihirap at bawat karangyaan sa ating buhay ay hindi at sa sa pamilya natin lamang kung di ito at napapaloob at kasali sa pag-unlad o paghihirap ng mga taong nasa paligid natin.

Palagi nating naiisip na mahirap ang buhay dahil sa mga problema ng gobyerno, dahil sa kahirapan ng bayan natin. Ngunit naiisip ba natin kung ano nga ba ang parte natin sa bayang ito. Hindi eksternal sa ating pagkatao ang mga pangyayari sa bansa natin. Ang bansang Pilipinas ay parte/bahagi na ng ating katauhan. At hindi maaaring isawalang-bahala na lamang ang mga nagyayari. Bilang isang tao, isang Pilipino, may panunugkulan at responsibilidad tayo hindi lamang sa ating mga sarili at pamilya ngunit pati na rin sa komunidad, sa bansang ginagalawan natin. Ang pagiging PIlipino ay hindi umiiral tuwing bumuboto o nagbabayad tayo ng buwis lamang.

At kahit sa ibang planeta ka man sumiksik, kahit saang bansa ka man magtrabaho at umunlad, hindi mo maaaring takasan ang katotohanan ng iyong pagka-Pilipino at ang mga responsibilidad na tinakasan mo.

Kung mismong tayo tumatakas sa ating mga problema, kung mismong tayo ay di nakiki-sympatiya at tumutulong sa paglutas at pagbigay lunas sa mga suliranin ng ating bayan; kung mismong tayo ay puro sarili at karangyaan na lang ang naiisip, walang tayong karapatang humusga sa ating gobyerno, at wala tayong karapatang umasa ng pag-unlad ng ating bansa. Kung hindi natin handang isakripisyo ang sariling pagpapayaman, hindi na malabong wala na ngang patutunguhang mabuti ang Pilipinas.