Pangingibang Bansa

Di ko man masisi ang karamihan sa mga Pilipinong umaaasang makahanap ng mas magandang kapalaran sa ibang bansa, di ko rin kayang pigilan ang sarili ko na makadama ng inis at pangihinayang.

Para sa mga may pamilyang binubuhay at tinataguyod, mas madali nga ang mawalay sa piling ng pamilya upang makaahon sa kahirapan kaysa sa magtiis na magsumikap dito sa ating bansa kung saan mas mahirap pa sa pag pasok sa butas ng karayom ang magkaroon ng pagkakataon na umunlad. Mas madali nga lunukin ang pride at maging alila sa dayuhang bansa. Sa pag-papaalila, mas malaki ang tsansa na makukuha mo ang karapat-dapat na sa iyo, na walang palakasan, kai-kaibigan at kamag-a-kamag-anak na palakaran. Nakakalungkot mang isipin ngunit para sa ating mga Pinoy, ang ating mga sarili ang pinakamabentang “produkto” na pwede nating i-export, ang tanging paraan upang takasan ang kahirapan and kawalan ng pag-asa rito sa Pilipinas.

Ngunit para sa iilang di naman gumagapang sa kahirapan at nabubuhay naman ng maginhawa, bakit pa kailangang lumabas ng bansa upang mas payamanin ang sarili? Bakit kailangan pang ibenta ang mga sarili sa ibang bansa upang kumita ng mas malaki, magkaroon ng mas marami, maging mas! Messiahnic man ang dating, naniniwala akong ang “middle class” at mga edukado ang may tunay at malakas na oportunidad upang tulungan ang bansa. Lalong-lalo na yung mga nakapagtapos sa magagandang paaralan. Ngunit bakit marami sa kanilang di naman masasabing naghihirap ay nagtitiis na mag-aral ng narsing o nagiging tnt para lamang makapagtrabaho sa ibang bansa at maglingkod sa mga dayuhang kayang-kayang bayaran ang kanilang “pride”". Nakakapanghinayang isipin na ang pinakamahusay na studyante ng pagdo-doktor sa bansa ay mag-aaral na lamang ng narsing upang makapag-trabaho sa USA. Puro pera at kikitain na lamang ba talaga ang mahalaga sa atin?

At puro na lang ba tayo reklamo? Puro na lang ba pag-angat ng sarili at ng sariling pamilya at pagtakas sa mga problema natin ang mahalaga? Kesyo walang pag-asang umunlad ang Pilipinas dahil sa pulitika. Kesyo walang patutunguhan ang pagsubok na tumulong sa sariling bansa. Kesyo puro korupsyon at kababalaghan ang mga nangyayari sa gobyerno. Sa halip na sisihin ang pamahalaan at ang mga institusyon, bakit hindi natin tanungin ang ating mga sarili… Papaano nga ba tayo nakarating sa ganito? Bakit tayo ganito kahirap ngayon? Asan tayo nagkamali? Hindi natin maaaring sisihin ang lahat ng mga paghihirap na dinadanas natin sa gobyerno. At hindi mo pwedeng sabihing wala ka nang pakialam dahil bilang isang tao, isang Pilipino, tungkulin mo ang makialam at manindigan.

Madaling-madali ang mangibang bansa upang yumaman, umunlad, maging successful kumpara sa pagtitiis dito sa ating bayan. Ngunit, ito nga ba ang karapat-dapat mong gawin? Bilang isang mamamayan ng Pilipinas, ito na ba ang pinakamabuti mong magagawa para sa iyong sarili, para sa iyong pamilya at para sa iyong bansa? Bilang mga tao, nabubuhay tayo sa isang konteksto. Na ang bawat paghihirap at bawat karangyaan sa ating buhay ay hindi at sa sa pamilya natin lamang kung di ito at napapaloob at kasali sa pag-unlad o paghihirap ng mga taong nasa paligid natin.

Palagi nating naiisip na mahirap ang buhay dahil sa mga problema ng gobyerno, dahil sa kahirapan ng bayan natin. Ngunit naiisip ba natin kung ano nga ba ang parte natin sa bayang ito. Hindi eksternal sa ating pagkatao ang mga pangyayari sa bansa natin. Ang bansang Pilipinas ay parte/bahagi na ng ating katauhan. At hindi maaaring isawalang-bahala na lamang ang mga nagyayari. Bilang isang tao, isang Pilipino, may panunugkulan at responsibilidad tayo hindi lamang sa ating mga sarili at pamilya ngunit pati na rin sa komunidad, sa bansang ginagalawan natin. Ang pagiging PIlipino ay hindi umiiral tuwing bumuboto o nagbabayad tayo ng buwis lamang.

At kahit sa ibang planeta ka man sumiksik, kahit saang bansa ka man magtrabaho at umunlad, hindi mo maaaring takasan ang katotohanan ng iyong pagka-Pilipino at ang mga responsibilidad na tinakasan mo.

Kung mismong tayo tumatakas sa ating mga problema, kung mismong tayo ay di nakiki-sympatiya at tumutulong sa paglutas at pagbigay lunas sa mga suliranin ng ating bayan; kung mismong tayo ay puro sarili at karangyaan na lang ang naiisip, walang tayong karapatang humusga sa ating gobyerno, at wala tayong karapatang umasa ng pag-unlad ng ating bansa. Kung hindi natin handang isakripisyo ang sariling pagpapayaman, hindi na malabong wala na ngang patutunguhang mabuti ang Pilipinas.

Bookmark on del.icio.us

Related Posts:
  • No related posts


35 Comments

  1. Anne Banogon said,

    August 16, 2005 at 6:29 pm

    Tama ho kayo sa inyong sinabi pero hindi nyo ba naisip na ang mga nangingibang bansa ay nakakatulog rin sa ating economiya. Nakakatulong sa pamamagitan ng pagdadala ng dolyar sa Pilipinas. Hindi mo nga sila masisisi dahil kung dito lang sila mamalagi, mamamatay silang dilat ang mata. Sabihin na nating importante nga sa atin ang ating bansa pero mas mahal natin ang ating pamilya. pasensya na ho kayo dahil naaapektohan lang ho ako dahil nangibang bans ang magulang ko para makapagaral ako.

  2. Maria said,

    August 17, 2005 at 6:28 am

    Hindi ko naman masisisi yung mga nangingibang bansa upang ma-suportahan ang kanilang pamilya. Lalo na kung wala silang mga oportunidad na umunlad dito mismo sa Pilipinas. Ang aking tinututulan ang yung mga may kaya naman ngunit nangingibang bansa pa rin upang magpayaman lamang, gayong may kakayahan sana silang tulungan ang ating bansa.

  3. Mckoy said,

    September 19, 2005 at 1:48 am

    Ang dahilan ng pagalis ng ating mga manggagawa ay dahil gusto nila ng “greener pasture” gusto nilang itaguyod ang kanilang pamilya,gusto nila ng maginhawang buhay. Brain drain ang nangyayari sa ating bansa,ang mga mahuhusay na manggagawa ang umaalis sa ating bansa dahil sa kawalan ng magandang oportunidad,kulang ang effort ng pamahalaan para mabigyan ng “quality job” ang ating mga kababayan,puro kasi sila pamumulitika. Kaya dapat pagtuunan ng pansin ang employment para sa bansa para hindi dumating ang panahon na wala ng mga mahuhusay na manggagawang matitira sa bansa.

  4. Maria said,

    September 19, 2005 at 7:09 am

    Hindi ko naman po ikinakaila na mayroon talagang kinakailangan umalis ng bansa upang itaguyod ng mahusay ang kanilang pamilya at hindi ko rin masisisi yung mga naghahanap ng “greener pastures” gaya ng nasabi ko na po, ang aking ikinaiinis ay yung mga may kaya na po na nangingibang bansa pa rin upang lamang magpayaman. Sapagkat ito ang mga taong may kakayahang manatili dito upang tulungang paunlarin ang bansa. Ngunit nagiging maramot sila at pinili nilang payamanin na lang ang kanilang mga sarili.

  5. evelyn said,

    October 5, 2005 at 5:17 am

    Maaring ako ay nababahala sa mga nangyayari ngayon sa ating bansa. Ngunit di natin masisisi ang bawat anak o magulang na gusto kumita ng sapat upang itaguyod ang pamilya. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang taas ng jobless rate ng ating bansa.Ang hirap pa nito ay tumaas na rin ang lahat ng presyo ng bilihin. Kung may magandang oportunidad man dito sa Pilipinas at kung magkakaroon man tayo ng desenting sahod, sa palagay ko’y walang Pilipino ang handang magtiis ng lungkot sa isang bansang tunay kang dayuhan. Sa panahon ngayon, isinasantabi muna ng tao ang pride at dapat munang unahin kung ano ang ihahain sa hapag-kainan. Totoong may hindi naman naghihirap ay gusto pa rin kumita pa ng mas malaki, dahil yun sa katotohanan that man is never satisfied and always longs for more..sad to realize pero totoo.

  6. JDEspaldon said,

    September 1, 2006 at 2:49 am

    Tanungin nating ang ating sarili kung bakit ang ating mga kababayan ay umaalis sa ating bayan sa sahod na katumbas lamang ng minimum wage sa Manila na madalas ay huli pa ang bayad katulad ng nangyayari sa bansang Lebanon. Sa aking palagay, simple lang ang dahilan: wala kasing trabaho sa ating bayan.

    Sabi nila ay may “brain drain” daw na nangyayari sa ating bayan. Sa palagay ko totoo. Ang masama lang ay hindi naman nagiging “brain gain” ng ibang bayan dahil ang ating mga guro ay nagiging katulong sa ibang bayan. Ang ating mga doktor ay nagiging narses sa ibang bayan. Sa nagkagayong pangyayari, nagkakaroon tayo ng “brain gain” ngunit wala namang “brain gain” sa ibang bayan. Sa huli, sa bawat dolyar na pumapasok sa ating bayan ay katumbas naman ang nasisirang “professional growth” ng isang tao. Ito ba ay dapat isisi sa mga nangingibang bansa? Palagay ko naman ay hindi.

  7. Adrian said,

    September 4, 2006 at 1:48 am

    Sa akin ayos lang din kung mangibang-bansa ang mga Pilipino. Syempre kailangan din nilang maghanap-buhay. Kaso tayo, ang bansa natin ang nawawalan. Nauubos ang mga dapat sana’y taong magtatrabaho para umunlad ang bansa. Kaso ganyan talaga ang buhay. Minsan kailangang magsakripisyo.

  8. King Solomon said,

    September 5, 2006 at 7:24 pm

    Hindi ko masisisi ang karamihan na magibang bansa dala na rin ng kahirapan dito sa pilipinas tulad ko ay nangangarap rin ako na magibang bansa para kumita na rin ng malaki at matulungan ang aking pamilya ngunit ang pagiging isang nursing student ay hindi isang pahirap na profession basta willing ka lng na gawin ang iyong tungkulin bilang isang nurse at makatulang ka sa ibang tao ay nakakapagpagaan ng kalooban

  9. simone laurie said,

    September 28, 2006 at 3:53 pm

    di naman nating pwd sisishin ang ibang tao e…nasa atin naman lahat ang problema. Ma y mga pangangailangan tayo…..

  10. Marianne said,

    November 21, 2006 at 6:29 am

    Hey!!!!It’s time to wake up guys….abroad na tayo!!! Mas maghihirap pa tayo dito sa pilipinas!!! Eh,kasi naman, tingnan niyo nga ‘yong eknomiya natin ngayon, pabagsak ng pabagsak….

  11. mickee said,

    November 22, 2006 at 2:15 am

    nakaka tulong naman khit papano ang mag abroad… kaya abroad lang kayu ng abroad hanggang ang peso at dollars ay equal-value nah… so our professional here stop to abroad nah? dibah? tsaka our nation ay magiging rich narin.. ryt? so thats the time na dapat na nating payamanin ang ating bansa…. kasi wala nang aalis at magpapayaman sa ibang bansa… ofcourse naman ang peso at dolyar are the same nah….!!! so payo ko lang … abroab lang tayu para naman…matugunan ang pangangailangan ng ating pamilya at mga mahal sa buhay…!!! makakaraos din ang pilipinas kahit papano…

  12. changL said,

    November 30, 2006 at 4:48 pm

    Oo nga naman,walang masama sa pg abroad atleast natugunan mo pa yong kailangan ng iyong pamilya at nakakatulong ka pa sa bansa.Di ba its a goo thing.?

  13. Darrel said,

    December 4, 2006 at 3:35 pm

    Marami sa ating mga pilipino ay nagiibang bansa dahil na rin sa sobrang kahirapan sa buhay.kaya ang iba ay napipilitan na pumunta sa ibang bansa.Pag ikaw ay nag abroad parang matutugunan mo ang mga pangangailangan ng iyong pamilya!!!.pabagsak ng pabagsak ang ating ekonomiya dahil sa mga korakot na nasa gobyerno!!!.

  14. joeffrey mambucon said,

    December 17, 2006 at 5:17 am

    maramin salamat sa inyong lahat…sa lahat na nag comment at lalo na sa writer..thank you nakatulong po kayo sa thesis ko..hehehe..at dahil dito sa mga comments na ito napatunayan kung..kay dami nga pala ng matatalinong pilipino..at nag sipaglitawan na sila…TAYO YUN…..\

  15. Arnnz^_^ said,

    December 18, 2006 at 6:09 pm

    for me as mickee said its okie lang naman na mag abroad, dahil tumataas yung peso natin, at sa point na yun ang mga mang aabroad ay hihinto nah dahil nga naman ang dolars ang peso ay equal na as mickee said, she so ryt na abroad lang tayu ng abroad hanggang wala ng titira sa pilipinas wakeke…… and to all poster here im arnee from NDDU want to txt with me? ill post mobile no# 09194785919 need 18/f hehehe^_^

  16. bam said,

    February 24, 2007 at 12:09 am

    we don’t have to blame the government or the person above all of this. we, the filipino should help each other to overcome this kind of situation. kong mahal natin ang ating bansa, dito tayo maninirahan at mag trabaho upang sa ikaunlad nito. kong magtulong tulong naman ang lahat eh sigurado namang may mararating tayo. doon naman sa mga taong may yaman na at kong maaring huwag na lang umalis sa ating bansa.. huwag tayo maging maramot sa kapwa, mag tulong tulong upang maiahon sa kahirapan at mapaunlad ang sariling bansa.

  17. -VeRlY-LiCiOus said,

    July 14, 2007 at 10:15 pm

    sa tingin ko poh , bilang isang mamayan ok lang po ang mangibang bansa KUNG kinakailangan po tlga at walng na tlgang pag.asang umunlad dito masakit isipin na mapahiwalay tayo sa ating mga minamahal pero mas masakit na nkikita natin ang ating mga minamahal na walang kain at nagtitiis sa gutom….

  18. haruhi said,

    September 5, 2007 at 1:47 am

    i cannot blame those people who work abroad. no job opportunities here, the salary is not enough to sustain the needs of the family, etc. my dad is an OFW, if he still working here maybe i just ended up working and never able to go in college, that’s why i can relate to those people working outside the country. At the same time OFW help our government through their remittances. only my opinion ^_^.. proud to be pinoy
    MABUHAY PO TAYONG LAHAT & GOD BLESS YOU PO..

  19. kayzee said,

    September 17, 2007 at 4:17 am

    hmp

  20. Jay said,

    October 25, 2007 at 1:25 am

    BAKIT GANON ANG BUHAY ISAMA NYO RIN KAMI SA IBANG BANSA

  21. Jay said,

    October 25, 2007 at 1:27 am

    HEY TULUNGAN NYOKO SA RESEARCH PAPER KO- ANO BANG BLITA SA BRAIN DRAIN?

  22. jonaquit said,

    November 8, 2007 at 4:16 am

    Dapat kung di man pumunta ng abroad ay magtayo man lang ng negosyo sa ating bansa kahit mag umpisa muna sa maliit na business.

  23. febyareen said,

    November 11, 2007 at 6:37 am

    …Ang dahilan naman nang mga kababayan nating nangingibang bayan ay dahil sa lubos na kahirapan sa ating bansa. may trabahu nga bugbug saradu kanaman at hindi pa sapat para makumpleto ang BREAK-LUNCH-DINNER sa hapagkainan. matitiis mu ba ang pamilya mo na walangwala!!! kaya kelangan talaga magtiis at mangibang bayan kahit katulong ka lang, ok na malaki din naman sahud. kesa sa atin edukada ka nga maliit naman sahud kumpara sa katulong sa ibang bansa.

  24. MyTeBoNd^_^ said,

    February 8, 2008 at 1:38 am

    napaka iksakto ang snabi ni “FEBYAREEN”na mas mabuti ang katulong sa labas keysa profesional dito satin! eH! pano ang layu ng deperensya ng sahud ng professionals dito keysa katulong sa ibang bnSA! Mabuhay ka FEbYaReen!

  25. jillianne said,

    February 20, 2008 at 6:28 pm

    tama nga wala magandang trabaho na mapapasukan dahilan kung bakit ang mga mahal natin sa buhay ay kinakailangan pang mangibang bansa parA lang sa ikabubuti ng pamilya—

  26. Brix!!! said,

    March 1, 2008 at 6:33 pm

    salamat naka kuha din ako ng reaksyon ko..dapat nga naman tayong sumama sa ibang bansa.

  27. amor said,

    March 1, 2008 at 10:44 pm

    tnx 4 gving an info about BRAINDRAIN here in phillipines!!!
    it helps me a lot in making my research paper!!
    SALAMAT SA LAHAT…….!!!

  28. swettie said,

    May 3, 2008 at 5:56 am

    di kasi kayo marunong mag manage ng pera hahaha..

  29. sweetie said,

    May 3, 2008 at 5:59 am

    mga ignorante kasi kayo..sa palagay niyo baket kaya andito kaming mga tsino sa bansa niyo…mga Pilipino alang alam…

  30. lina said,

    August 14, 2008 at 5:04 pm

    tama po kayo… sna nga ho mg.kaisa na tyong lahat para paunlarin ang ating bansa at mgkaroon nang kapayapaan dito sa pilipinas. sana nga rin iwasan na rin ng gobyerno ang krupsyon para bumalik ang tiwala ng mamamayan sa kanila.

  31. Remy Butalid said,

    August 18, 2008 at 10:31 pm

    thank u very much for the info. that u have post in ur website..

    it helps me in my subject coz my teacher conduct a debate in this Topic.

    thank u very very much..

  32. Yzza said,

    September 14, 2008 at 9:19 pm

    tnx..nagkaron ako ng idea tungkol sa itotopic ko sa mga estudyante ko…tama kau sa hirap na ng bansa marami na sa mga Pilipino ang umaalis para lang guminhawaa ng buhay. Ang mga propesyunal natin nagpapakabababa para lang sa pamilya…ay naku maayos lang sana ang ekonomiya ng bansa eh di sana walang maghihirap

  33. ymarson said,

    September 20, 2008 at 11:16 pm

    mas maganda kung yung dahilan e makahanap ng trabaho

  34. jayrynson said,

    September 22, 2008 at 3:03 pm

    d na man natin masisisi ang ating pinakamamahal na mga kapamilya na mangibang bansa ngunit hindi ito pinapahalagahan ng gobyerno…kung kaya’t may lakas ng loob silang mangibang bansa dahil may inspirasyon sila, ang kanilang pamilya ,,,nais nilang mabigyan ng magandang pamumuhay ang kanilang mga anak para sa susunod na heerasyon,,,,

  35. jayrynson said,

    September 22, 2008 at 3:05 pm

    henerasyon pala,,,sori

Post a Comment